Libreng konsulta program inilunsad ng Philhealth
Maaari ng magpakonsulta ng libre ang mga miyembro ng philippine health insurance o Philhealth.
Ito ang inihayag ni Philhealth corporate spokesperson Dr. Israel Francis Pargas matapos ilunsad ang libreng konsulta program sa ilalim ng primary care package alinsunod sa isinasaad sa universal health care law.
Ayon sa Philhealth mayroong 1,800 accredited hospitals at 10,000 accredited health care facilities bilang konsulta providers.
Inihayag ng Philhealth ang kailangang gawin ng mga miyembro ay magparehistro lamang sa mga accredited konsulta providers para maka-avail ng libreng konsulta bilang bahagi ng out patient primary care package ng state social health insurance.
Vic Somintac