Libreng sakay ng LTFRB sa NLET-Cubao, NLET -PITX, nagsimula na ngayong araw
Umarangkada na ngayong araw ng Huwebes April 21 ang libreng sakay na may rutang North Luzon Express Terminal NLET papuntang Araneta Center Cubao route 38 at North Luzon Express Terminal o NLET papuntang Parañaque Integrited Terminal Exchane o PITX route 39 sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3.
Nagsimula ang unang biyahe sa naturang ruta kaninang ala-una ng umaga at magtatapos mamayang alas-doce ng hating gabi.
Para sa mga pasahero na patungo at palabas ng Metro Manila sa pamamagitan ng NLET tiniyak ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB ang maayos at sapat na bilang ng mga pampublikong sasakyan para sa ligtas na pagbibiyahe ng mga mananakay.
Samantala tuloy-tuloy parin ang pagseserbisyo ng libreng sakay sa Edsa Busway Carousel tuwing alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-once ng gabi habang patuloy ding magseserbisyo ang mga operator at driver sa mga ruta na kalahok sa programa sa ibat-ibang rehiyon ng bansa.
Inaaasahan naman ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at mga karagdagang Public Utility Vehichle o PUV para sa buong bansa sa mga susunod na araw.
Vic Somintac