Libreng sapatos program sa mga mag-aaral sa Marikina

Bilang paghahanda sa pasukan, namahagi si Special envoy to the United Arab Emirates for Trade and Investment Anna Kathryna Yu Pimentel ng mga sapatos para sa mga batang mag- aaral sa Marikina.

Aabot sa mahigit isang libong sapatos ang ipinamigay sa libreng sapatos program.

Ayon kay Pimentel, layon nitong makabawas rin sa gastusin ng mga magulang ngayong magbubukas na muli ang klase.

Katuwang ni Pimentel ang Philippine Footwear Federation Incorporated para muling buhayin ang industriya ng sapatos sa Marikina .

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *