Libreng swab test sa PUV drivers, market vendors at mall workers, sinimulan na ng Manila LGU
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kanilang mas pinalawak na mass swab testing sa lungsod.
Kabilang sa tinarget na maisailalim sa swab test ang mga nagtitinda sa palengke, nagtatrabaho sa mga mall, hotel, restaurant at mga driver ng e-trike, tricycle, pedicab, jeepney at bus.
Libre ang swab testing na ito na iniaalok ng Manila LGU.
Kabilang sa mga venue ng swab testing ay sa Pritil Market para sa mga Market Vendor, Sa Baseco Covered Court para naman sa PUV Drivers, at ilang malalaking Mall sa maynila para sa mall workers.
Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, mailalabas ang resulta ng swab test sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Ang resulta ay ipapadala sa pamamagitan ng email sa management ng establisyimento at asosasyon ng mga PUV driver.
Pinaalalahanan naman ni Pangan ang mga nagpa swab test na mayroong nararamdamang sintomas ng covid 19 na sumailalim sa quarantine habang naghihintay ng resulta ng swab test.
Madz Moratillo