Libu-libo lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa wildfires sa western Canada
Napilitan ang Canadian officials na ilikas ang libu-libong katao sa northeastern British Columbia at northwestern Alberta, dahil sa out-of-control na ang wildfires.
Poor air quality at reduced visibility, ang nagtulak sa tatlong libong mga residente ng Fort Nelson, B-C at kalapit na Indigenous community upang lisanin ang kanilang tahanan.
Nilamon na ng mabilis na kumakalat na apoy ang 42-hundred hectares ng kagubatan.
Isang puno na bumagsak sa mga linya ng kuryente ang pinaniniwalaang pinagmulan ng sunog.
Ang sunog ay naging sanhi rin upang mawalan ng serbisyo ang telephone at internet service sa northern territories ng Canada, makaraang masira ang isang fiber line.
Grabe rin kasi ang pagkatuyo ng rehiyon dahil sa patuloy na nararanasang “drought.”
This handout photo courtesy of BC Emergency Health Services (BCEHS), taken in the night of May 10 to 11, 2024, shows the wildfire threatening Fort Nelson in British Columbia, Canada. Thousands of people fled their homes on May 12, 2024 in western Canada as hundreds of wildfires beginning earlier than usual portend a difficult fire season. (Photo by Andrei AXENOV / BC Emergency Health Services / AFP)
Sa katabi namang Alberta, malaking bahagi ng hilaga ng lalawigan ay may napakataas na panganib o lubhang nanganganib na makaranas ng wildfires.
Hanggang nitong Linggo ay namamalaging nakataas ang evacuation alerts para sa ilang northern communities malapit sa Grande Prairie at Fort McMurray.
Ang mga taong naninirahan sa oil hub ng Fort McMurray ay hindi na mapakali, sa pangambang maulit ang 2016 wildfire na puminsala sa komunidad.
Ang nasabing sunog ay sumira ng nasa 2,400 mga tahanan.
Mayroon kasing isang out-of-control blaze na 16 na kilometro lamang ang layo mula sa city limits.
Libu-libong mga residente sa Fort McMurray at kalapit na mga komunidad ang isinailalim na sa evacuation alert.
Sinabi ni Mayor Sandy Bowman, na may kakayahan ang komunidad na harapin ang panganib ng sunog.
Aniya, “I know everyone’s feeling unsettled and stressed right now. Our community knows all too well how this feels, but our past experience also means we are very well prepared to handle whatever comes our way.”
Nagpalabas na rin ng air quality advisories para sa malaking bahagi ng northern at central Alberta.
Ilang daang kilometro naman sa timog, sa Edmonton na kabisera ng Alberta, ay napakapangit na ng kalidad ng hangin.
Katunayan ay binigyan ito ng Environment Canada ng rate na 10+ sa kanilang 10-point scale.
Inatasan namang manatili sa loob ng bahay ang “vulnerable people,’ habang ang iba ay pinayuhang limitahan ang oras sa labas.