Libu-libo na ang lumikas dahil sa lumalawak na wildfires sa California
Lumawak pa ang wildfire sa California na ikinasunog ng ilang libong ektarya, at pumuwersa sa milyun-milyong Amerikano na lisanin ang kanilang tahanan.
Ayon sa report ng California Department of Forestry and Fire Protection (CAL FIRE), higit 2,000 pamatay-sunog at 17 helicopters ang idineploy laban sa Oak Fire, na nagsimula noong Biyernes malapit sa Yosemite National Park.
Subali’t dalawang araw pa lamang mula nang mag-umpisa, higit 15,600 ektarta na ang nilamon ng apoy.
Ayon sa CAL FIRE report . . . “Extreme drought conditions have led to critical fuel moisture levels.’
Inilarawan ng mga opisyal na “explosive,” ang sunog ay nag-iwan ng mga abo, sunog na mga sasakyan at mga nabaluktot na mga ari-arian, habang sinisikap naman ng emergency personnel na ilikas ang mga residente at proteksiyunan ang mga istrakturang nasa landas ng sunog.
Sampung ari-arian na ang winasak nito at pininsala ang limang iba pa, at libu-libo pa ang nanganganib.
Ayon kay Hector Vasquez, isang opisyal ng CAL FIRE . . . “More than 6,000 people had been evacuated.”
Noong Sabado ay nagdeklara na ng isang state of emergency si California Governor Gavin Newsom sa Mariposa County on Saturday declared a state of emergency in Mariposa County, banggit ang matinding panganib sa kaligtasan ng mga tao at mga ari-arian.
Sa nakalipas na mga taon, ang California at iba pang bahagi ng kanlurang Estados Unidos ay sinalanta ng malalaki at mabilis kumalat na wildfires, na dulot ng mga taon ng tagtuyot at isang mainit na klima.
Ang katibayan ng global warming ay makikita rin sa ibang lugar sa bansa, dahil 85 milyong Amerikano na nasa higit sa isang dosenang estado ay nasa ilalim ng isang weekend heat advisory.
Ang krisis ay nag-udyok sa dating bise presidente na si Al Gore, na isang walang pagod na climate advocate, upang maglabas ng matinding babala nitong Linggo tungkol sa “hindi pagkilos” ng US lawmakers.
Nang tanungin kung naniniwala siya na dapat magdeklara si US President Joe Biden ng isang climate emergency, na magbibigay sa kanya ng karagdagang kapangyarihan sa patakaran, tila walang interes dito si Gore.
Aniya . . . “Mother Nature has already declared it a global emergency. And it’s due to get much, much worse, and quickly.’
Ngunit iminungkahi rin niya na ang mga kamakailang krisis, kabilang ang nakamamatay na heat waves sa Europa, ay maaaring magsilbing isang wake-up call para sa mga miyembro ng US Congress na hanggang ngayon ay tumatangging yakapin ang mga pagsisikap na labanan ang climate change.
Aniya . . . “I think these extreme events that are getting steadily worse and more severe are really beginning to change minds.”
Ayon naman sa National Weather Service . . . “Searing heat will continue across the Mid-Atlantic and Northeast tonight before the upper trough over Canada dips down into the region to moderate temperatures a bit Monday. But not all regions are expected to cool down: temperatures of 100 or more degrees Fahrenheit (37 degrees Celsius) are forecast in the coming days across parts of eastern Kansas and Oklahoma into southern Missouri and northern Arkansas. Not even the usually cool Pacific Northwest will escape the far-reaching heat, with high temperatures forecast to steadily rise over the next few days, leading to the possibility for records to be broken.”
Napilitan ang mga lungsod na magbukas ng mga cooling station at tulungan pa ang mga nasa panganib na malantad sa init gaya ng mga walang tirahan o homeless, at yaong mga walang access sa air conditioning.
Ang iba’t ibang rehiyon ng mundo ay tinamaan ng matinding init sa mga nakalipas na buwan, tulad ng Kanlurang Europa noong Hulyo at India noong Marso hanggang Abril, mga insidente na sinasabi ng mga siyentipiko na hindi mapag-aalinlanganang tanda ng pag-init ng klima.
© Agence France-Presse