libu-libo nagprotesta dahil sa umano’y kapabayaan ng mga kinauukulan kaugnay ng matinding baha sa Espanya

People protest against Valencia's regional leader Carlos Mazon and the management of the emergency response to the deadly floods in eastern Spain, in Valencia, Spain, November 9, 2024. REUTERS/ Eva Manez

libu-libong katao ang nagtipon sa sentro ng lungsod ng valencia upang i-protesta ang pagtugon ng regional authorities sa baha na ikinamatay ng mahigit dalawangdaan at dalawampung katao.

Bukod sa mga namatay, mayroon ding halos walompung kataong nawawala sa itinuturing na isa sa pinakamalalang natural na sakuna sa Europe sa maraming dekada.

Nanawagan ang mga nagpoprotesta na magbitiw na ang regional leader na si Carlos Mazon, at inakusahan ito na hindi tama ang ginawang pagtugon sa krisis.

Ang demonstrasyon na inorganisa ng mahigit sa 30 civil rights groups, ay dahil sa reklamong huli na nang magpalabas ng alerto si Mazon.

Ayon sa mga residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha, alas otso na ng gabi noong Oct. 29 nag-isyu ng alerto si Mazon, kung kailan binabaha na ang maraming bayan at villages.

Depensa naman ng Valencian leader, maaga sana siyang nakapag-isyu ng alarma kung ipinaalam ng mga awtoridad kung gaano kaseryoso ang sitwasyon, sa pamamagitan ng isang official water monitoring body.

Hindi sumagot si Mazon sa kahilingan ng Reuters para sa komento.

River water churns, with a partially collapsed bridge seen in the background, after torrential rains caused flooding in the town of Carlet, Valencia region, Spain, October 30, 2024. REUTERS/ Eva Manez

Sinabi ni Anna Oliver, pangulo ng Accio Culrutal del Pais Valenciano, isa sa nasa 30 grupo na nag-organisa sa protesta, “We want to show our indignation and anger over the poor management of this disaster which has affected so many people.”

Bagama’t ang demonstrasyon sa pangkalahatan ay mapayapa naman, sinugod ng mga pulis ang mga protester na naghagis ng bato, at binato rin ng mga ito ang gusali ng city council na nagdulot ng bahagyang pinsala.

Kasunod nang ilang araw nang storm warnings mula sa national weather service simula Oct. 25 at sumunod pang mga araw, ilang munisipalidad at local bodies ang nagtaas na ng alarma nang mas maaga kaysa regional government.

Halimbawa, sinabihan ng Valencia University ang kanilang staff noong Oct. 28 na huwag nang pumasok sa trabaho. Ilang town halls naman ang nagsuspinde ng mga aktibidad, nagsara ng public facilities at pinayuhan ang mga tao na manatili s akanilang tahanan.

Itinaas ng weather service na AEMET ang kanilang threat level sa red alert para sa malalakas na ulan sa lugar, pagdating ng ala-7:36 ng umaga ng Oct. 29.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *