Libu-libong biyahe ng eroplano kinansela
Higit 3,000 flights ng December 24 at 25 ang kinansela sa buong mundo, dahil sa pagkalat ng Omicron variant ng coronavirus.
Libu-libong mga pasahero ang nakatanggap ng last-minute cancelation notices para sa biyahe kahapon (Biyernes) at ngayong Sabado, dahil sa pagtaas sa kaso ng Omicron laluna sa kalipunan ng airline workers.
Higit sa 2,000 flights kabilang ang nasa 500 na naka-tie sa United States ang kinansela sa buong mundo, kahapon, December 24.
Ayon sa Flight Aware, higit 5,700 flights din ang na-delay kahapon, kabilang ang higit 900 na naka-tie sa United States.
Sinabi ng Estados Unidos na kinailangan nilang kanselahin ang hindi bababa sa 170 flights noong Huwebes, dahil nahawa ng virus ang mga piloto at crew members.
Ang Delta Airlines ay nagkansela ng 151 December 24 flights Huwebes ng gabi, at ang JetBlue ay nagkansela naman ng higit 50 byahe.
Maging ang Lufthansa ay nag-anunsiyo ng kanselasyon noong Miyerkoles at ang Air China ay nagkansela ng nasa 190 flights, habang ang China Eastern ay nasa 474 na biyahe ang kinansela.