Libu-libong magsasaka, nakinabang sa Sure aid loan ng Dept. of Agriculture
Libong mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Pandemya ang nakatanggap ng pautang mula sa Expanded SURE AID Program ng Department of Agriculture.
Ang Expanded SURE-AID Loan o Survival and Recovery-Aid Loan ay isang programa ng Kagawaran upang tulungan ang mga maliliit na mga magsasaka at mangingisda na makaahon sa kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pautang na maaaring bayaran sa loob ng 10 taon na walang kolateral at interes.
25,000 pisong halaga ang maaaring ipautang sa mga magsasaka at mangingisda na ipinagkakalob ng Department of Agriculture- Agricultural Crop Policy Center (DA- ACPC).
Mas pinaigting ang programang ito sa panahon ng pandemya dahil malaki ang maitutulong nito upang mai-boost ang mga magsasaka na magtanim pa upang mas may makain ang mga tao at mas maiangat pa ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ang pamamahagi ng SURE-AID loan ay alinsunod sa minimum health standards na ipinatutupad sa ilalim ng Modified General Community Quarantine na ipinatutupad sa mga probinsya.
Belle Surara