Lider ng Samsung, binigyan ng presidential pardon
Binigyan ngayon ng presidential pardon ang tagapagmana at de facto leader ng Samsung group na nakulong dahil sa korapsiyon.
Ayon kay Justice Minister Han Dong-hoon, “Billionaire Lee Jae-yong, who was convicted of bribery and embezzlement in January last year, will be ‘reinstated’ to give him a chance to ‘contribute to overcoming the economic crisis’ of the country.”
Si Lee — ang ika-278 na pinakamayamang tao sa mundo, ayon sa Forbes, na may net worth na $7.9 bilyon — ay pinalaya sa pamamagitan ng parole noong Agosto 2021, pagkatapos magsilbi ng 18 buwan sa bilangguan, higit sa kalahati lamang ng kanyang orihinal na sentensiya.
Ang ipinagkaloob na pardon ngayong Biyernes, ay magbibigay ng pagkakataon kay Lee para lubusan nang makabalik sa trabaho sa pamamagitan ng pag-aalis sa isang post-prison employment restriction, na nakatakda para sa limang taon.
Natanggap ng 54-anyos na si Lee ang kaniyang pardon kasama ng tatlong iba pang negosyante na kinabibilangan ng Lotte Group Chairman na si Shin Dong-bin, na nasentensiyahan ng suspended two-and-half-year prison term dahil sa bribery case noong 2018.
Si Lee ang Vice-Chairman ng Samsung Electronics, ang pinakamalaking smartphone maker sa buong mundo. Ang overall turnover ng kompanya ay katumbas ng one fifth ng gross domestic product ng South Korea.
Siya ay nakulong para sa mga kasalanang may kaugnayan sa malawakang korapsiyon na nagpabagsak kay dating presidente Park Geun-hye.
© Agence France-Presse