Liderato ng Kamara at Senado buong suporta sa Maharlika Investment Fund Act
Malugod na tinanggap ng mga mambabatas ang ganap na pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na suportado ng Senado ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ganap na maisabatas ang MIF.
“I am happy that napirmahan na ni Pangulo ang MIF, and I am waiting for its effective implementation,” pahayag ng Senate President.
Inihayag ng mambabatas na inaasahan niyang isasama ng Pangulo sa kaniyang ikalawang state of the nation address (SONA) ang mga proyektong paglalagyan ng pondo ng MIF.
Naglatag din ng kaniyang personal na suhestyon si Zubiri para sa implementasyon ng MIF.
Landmark legislation namang itinuturing ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasabatas sa MIF.
Naniniwala si Romualdez na malaki ang magagawa ng MIF para tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dulot ng COVID-19 pandemic.
Bilang isa sa principal sponsor ng bagong batas, naniniwala ang House Speaker na magsisilbing behikulo ang MIF para pondohan ang mga infrastructure projects ng gobyerno na hindi na mangangailangan ng karagdagang pagbubuwis sa publiko at pag-utang sa international financial institutions.
“The Maharlika Investment Corporation (MIC/MIF) is an investment for the future that we need to start building now. It is an ideal vehicle that is well-positioned to bring in investments as the Philippine Economic Outlook remains robust amid the global economic slowdown.”
“International investors have already expressed interest in investing in the Fund, such as the Japan Bank for International Cooperation (JBIC) at iba pang US companies,” dagdag pa ni Romualdez.
Dahil sa Maharlika Investment Fund Law, sinabi ni Romualdez na mababawasan na ang paggamit ng pondo ng pamahalaan mula sa national budget dahil ang mga infrastructure projects ng gobyerno ay popondohan nang mga local at foreign investors.
“MIF as an alternative infrastructure funding source would likewise mean allocating more funds in the annual national budget for other vital social services like education and health,” paliwanag pa ni Romualdez.
Suportado din ng Department of Budget and Management (DBM) sa pag-prisinta nitong tumulong sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF, na siyang lilikha sa Maharlika Investment Corporation (MIC)
Nilinaw naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi kukuha ng pondo ang MIF sa ipon, pension o pera ng taumbayan.
Gaya aniya ng sinabi ni Pangulong Marcos, hindi makukulayan ng pulitika ang pamamalakad sa MIF dahil mahigpit itong nababakuran ng kinakailangang requirements at proseso.
Layon ng bagong batas na palaguin ang pondo ng bayan at patatagin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng diversification at pagbuo ng yaman sa susunod na henerasyon.
Tutustusan din nito ang ilang mga pryekto ng gobyerno upang hindi na mangutang pa ang PIlipinas
Inaasahan ding magbibigay ito ng oportunidad para sa maraming trabaho at tulong sa mga financial institutions.
Posible namang masimulan ang full implementation ng MIF sa huling bahagi ng 2023.
Celine Dorado/Vic Somintac