Liderato ng PDP, Idinipensa si Senador Manny Pacquiao sa mga pahayag kaugnay ng umano’y kawalan ng aksiyon ni Pangulong Duterte sa problema sa West Philippine Sea
Dumepensa ang liderato ng PDP matapos batikusin ng PDP laban Bulacan Provincial chapter ang pangulo ng kanilang partido na si Senador Manny Pacquaio dahil sa pagbanat sa umano’y kawalan ng aksyon ni Pangulong Duterte sa West Philippine Sea.
Ayon kay Ronwald Munsayac, Executive Director ng partido, sinunod ni Pacquaio ng internal mechanism nang maglabas ito ng kaniyang opinyon sa isyu.
Kung pagbabatayan raw ang interview kay Pacquiao, ipinagtanggol pa nga nito ang Pangulo nang sabihing hindi dapat intindihin ng literal ang pangako ng pangulo na magje jetski sa West Philippine Sea.
Katunayan ang pahayag ni Pacquiao sa media ay nakukulangan kumpara sa dating pagiging agresibo ng pangulo.
Bagamat inirerespeto naman raw ni Pacquaio ang sentimyento ng mga miyembro.
Ipinaalala ni Munsayac na may mga proseso na sinusunod sa partido bago maglabas ng mga public pronouncement na maaring makaapekto sa partido.
Maari naman daw idulog muna ang usapin kay Pacquaio o sa partido bago naglabas ng kanilang sentimyento sa publiko.
Nauna nang itinanggi ng Malacañang na may girian sa pagitan ng Pangulo at ni Pacquiao.
Meanne Corvera