Liderato ng Senado , hindi naghahanap ng anomalya sa ginagawang review sa konstruksyon ng Senate building

Wala umanong intensyon ang Liderato ng Senado na silipin kung nagkaroon ng anomalya ang konstruksyon ng Senate building sa Taguig city.

Ito ang naging paliwanag ni Senate President Francis Escudero matapos mauwi sa bangayan nina Senador Nancy Binay at Alan Peter Cayetano ang isyu nang iniutos na pagrepaso sa Senate building.

Ayon kay Escudero ang pakay nila ay makatipid kahit na isang bilyong piso at kaisa sila sa target ng nakaraang administrasyon ng Senado na value for money sa proyekto kaya hinihimay ang proyekto.

Nagpatawag rin aniya sila ng imbestigasyon para mapuwersa ang DPWH na magsumite ng dokumento sa Senado.

Hindi naman nababahala si Escudero sa nangyayaring bangayan ng mga kapwa mambabatas dahil nangyari na ito sa mga nakaraang Kongreso.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *