Life expectancy sa buong mundo pinababa ng Covid sa 1.6 na taon ayon sa pag-aaral

eaglenews.ph

Dahil sa Covid-19, bumagsak ng 1.6 na taon ang average life expectancy ng mga tao sa buong mundo sa unang dalawang taon, higit na malaking pagbaba kaysa unang inakala, ayon sa isang malaking pag-aaral.

Ayon sa daan-daang researchers na sumuri sa mga data para sa US-based Institute for Health Metrics and Evaluation (IHME), indikasyon ito ng isang malaking pagbabago sa panahon ng ilang dekada nang pagtaas sa global life expectancy.

Sinabi ni Austin Schumacher, isang IHME researcher at pangunahing may-akda ng pag-aaral na nailathala sa The Lancet journal, “For adults worldwide, the Covid-19 pandemic has had a more profound impact than any event seen in half a century, including conflicts and natural disasters.”

Mula 2020-2021, ang life expectancy ay bumaba ng 84 percent sa 204 na mga bansa at teritoryong sinuri na “nagpapakita ng mapangwasak na potensiyal na epekto” ng bagong viruses.

Ang Mexico City, Peru at Bolivia ay ilan sa mga lugar na ang life expectancy ay lubhang bumaba.

Subalit may ilang magandang balita sa updated estimates ng landmark Global Burden of Disease study ng IHME.

Mas kakaunti sa kalahating milyong mga bata edad lima ang namatay noong 2021 kumpara noong 2019, na nagpapakita ng isang tuloy-tuloy na pangmatagalang pagbaba sa pagkamatay ng mga bata.

Pinuri naman ni IHME researcher Hmwe Hmwe Kyu ang aniya’y “incredible progress,” sa pagsasabing “the world should now focus on the next pandemic and addressing the vast disparities in health across countries.”

At sa kabila ng pag-urong sa panahon ng pandemya, ang mga tao ay nabubuhay pa rin nang mas matagal kaysa dati.

Sa pagitan ng 1950 at 2021, ang average na life expectancy sa kapanganakan ay tumaas ng 23 taon, mula 49 hanggang 72, ayon sa mga mananaliksik.

Ang Covid ay responsable para sa 15.9 milyong labis na pagkamatay mula 2020-2021, direkta man itong dahil sa o hindi direkta na dahil sa pandemic-related disruptions, batay sa pagtaya ng mga researcher.

Katumbas ito ng isang milyong kalabisan sa mga pagkamatay kaysa unang tinaya ng World Health Organization.

Ang sobrang pagkamatay ay kinalkula sa pamamagitan ng pagkukumpara sa kabuuang bilang ng pagkamatay at kung ilan ang inaasahan sakaling hindi nagkaroon ng pandemya.

Ang Barbados, New Zealand at Antigua and Barbuda ay kabilang sa mga bansang may pinakamababang rate ng labis na pagkamatay sa panahon ng pandemya, na bahagyang nagpapakita kung paanong ang liblib na mga isla ay naligtas sa lupit ng Covid.

Ipinapakita rin ng pag-aaral kung paanong ang populasyon ng maraming tumatanda na at mayayamang mga bansa ay nagsimula nang mabawasan, habang ang patuloy namang dumarami ang mga bansa hindi gaanong mayaman.

Babala ni Schumacher, “This dynamic ‘will bring about unprecedented social, economic, and political challenges,’ such as labour shortages in areas where younger populations are shrinking and resource scarcity in places where population size continues to expand rapidly.”

Dagdag pa niya, “Nations around the world will need to cooperate on voluntary emigration.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *