Life Skills Training ng DOLE, pinakinabangan ng 100 kabataan sa Tacloban City
Pinakinabangan ng isandaang kabataan sa Tacloban City, ang Life Skills Training (LST) ng Department of Labor and Employment (DOLE), kasama ng Tacloban City Government sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).
Ayon sa nasabing ahensiya, sa ilalim ng Jobstart Philippines Program,
hindi lang insights on career guidance at work ethics ang natanggap ng nabanggit na mga kabataan, kundi sila rin ay binigyan ng P3,000 stipend at P200 na load allowance sa buong panahon ng training.
Samantala, isang Mini-Job Fair ang kasabay na isinagawa sa araw ng graduation ceremony, na nilahukan ng mga program partner.
Sasailalim naman sa technical training at internship sa loob ng tatlong buwan ang mga LST completers.
Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng pangako ng gobyerno na manatiling matatag sa pagsuporta sa beneficiaries ng Jobstart Philippines Program, sa pamamagitan ng paghahanap para sa kanila ng pantay-pantay na trabaho, lalo na sa panahong ito.
Amy S. Cabias