Lifeline discount sa mga mahihirap na internet users , isinusulong sa Senado
Itinutulak ni Senador Imee Marcos ang pagbibigay ng lifeline rates o discount sa internet access para sa mga mahihirap.
Ito’y para mas maraming Pinoy ang makapagtrabaho, makapag-aral at makapag-negosyo sa online.
Sa Senate Bill 2012 o Public Telecommunications Policy Act of the Philippines bibigyan ng discount ang mga mahihirap na consumers gaya ng ibinibigay na lifeline sa tubig at kuryente.
Sa kasalukuyan ayon sa Senador, batay sa pag-aaral ng isang cyber security sa The Netherlands nasa pang 48 na pwesto ang Pilipinas sa 110 mga bansa sa Digital Quality of Life Index 2021 may pinakamahal na internet.
Meanne Corvera