Ligtas at maaasahang biyahe para sa mga botante, tiniyak ng DOTr
Pinakilos ng Department of Transportation (DOTr) ang isang task force para matiyak ang ligtas, maaasahan at komportableng biyahe para sa mga botante sa May 9 elections.
Binuhay ng DOTr ang Oplan Biyaheng Ayos, gaya ng nakasaad sa isang memorandum na nilagdaan ni Assistant Secretary for Maritime at officer-in-charge for Special Concerns na si Narciso Vingson, Jr.
Ayon sa memorandum . . . “All sectoral offices and attached agencies are directed to be on heightened alert status to ensure the health, safety, security, reliability and comfort of passengers traveling during the observation of National and Local Elections 2022, particularly during this pandemic.”
Ginarantiyahan ng DOTr sa mga mananakay na mayroon silang masasakyan, panlupa man, pandagat o panghimpapawid sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga bayan, siyudad at lalawigan upang bumoto bukas.
Sinabi ng kagawaran na mananatili ang operasyon ng sectoral offices at attached agencies, at magsasagawa ng 24/7 coordination, monitoring at real-time reporting ng mga aktibidad at insidente.
Magkakaroon ng mga tauhan sa desks, booths, counters at centers na nagsi-serve sa mga pasahero sa panahon ng operating hours upang maiwasan ang mahahabang pila.
Inatasan din ang task force ng pagpapakalat ng safety tips, karaniwang uri ng mga paglabag, maging ng safety at security regulations sa mga paliparan, pantalan at iba pang transportation hubs