Ligtas at maginhawang paglalakbay ngayong long weekend, tiniyak ng DOTr

0
Ligtas at maginhawang paglalakbay ngayong long weekend, tiniyak ng DOTr

Dept. of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon

Tiniyak ni Dept. of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa publiko, ang maayos at ligtas na paglalakbay sa darating na long weekend.

Sa ginanap na press conference sa NAIA Terminal 3, sinabi ni Dizon na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang tumataas na demand ng pasahero sa mga paliparan sa bansa ngayong holiday season.


Dept. of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon

Bukod sa No Leave Policy sa mga kawani ng MIAA, DOTr at Immigration, ay naglagay na rin ng mga karagdagang tauhan upang umalalay sa mga pasahero at maiwasan ang mahabang pila sa Immigration Area.

Malaking tulong din anya ang pagbubukas ng karagdagang Immigration Counter at priority dito ang OFWs at airline crew.

Paliwanag ng kalihim, inaasahan kasi na 36,000 daily passengers ang daragsa sa mga paliparan ngayong long weekend para umuwi sa kani-kanilang lalawigan.

Inaasahan din ang pagdagsa ng local at foreign tourists sa iba’t ibang tourist destinations upang samantalahin ang ilang araw na walang pasok.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *