“Ligtas Tigdas” campaign, sinimulan ngayong araw ng DOH

 

Sisimulan  ng Department of Health o DOH ngayong araw na ito ang kampanya nila na tinawag na National Ligtas Tigdas Supplemental Immunization  activity  o SIA.

Isasagawa ang SIA  sa National Capital Region o NCR, at Mindanao upang maiwasan ang pagkalat ng insidente o kaso ng tigdas sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III,  magtatagal  ang naturang kampanya simula Abril 25 hanggang Mayo 24 sa NCR at sa Mindanao naman ay mula May 9 hanggang Hunyo 8.

Sinabi ni Duque na ang mga batang may edad  anim na buwan gulang  hanggang limang taong gulang  ay babakunahan kahit na nabakunahan na sila noon.

Ang bakuna ay libre  sa mga Health centers at mayroon ding magbabahay bahay na mga health workers, batay na rin sa atas ng lokal na pamahalaan.

Aminado naman si Duque na bumaba talaga ang bilang ng mga nagpapabakuna  at ang sanhi umano ay isyu ng Dengvaxia.

Nanawagan pa si Duque sa mga health workers na huwag susuko sa pagpapaliwanag sa mga magulang ng kahalagahan ng pagpapabakuna dahil malaki ang maitutulong nito sa kaligtasan ng kanilang anak habang sila ay lumalaki.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *