Hindi bababa sa pito, patay sa pananalasa ng Hurricane Beryl habang patungo sa Jamaica
Patungo na sa Jamaica ang Hurricane Beryl Jamaica makaraang mag-iwan ng hindi bababa sa pito kataong patay at malawakang pinsala sa buong timog-silangang Caribbean, na may banta ng nakamamatay na hangin at storm surge habang papalapit ito.
Ayon sa forecasters, ang malakas na bagyo na hindi karaniwan ngayong season, ay humina na nitong Martes subali’t namamalaging “lubhang mapanganib” na Category 4 storm at inaasahang dadaan “malapit o sa ibabaw” ng Jamaica ngayong Miyerkoles.
Si Beryl ang unang bagyo simula nang mag-umpisa sa pagtatala ang US National Hurricane Center (NHC), na umabot sa Category 4 level noong June, at pinakaunang umabot sa Category 5 ngayong July.
Sinabi ni NHC director Michael Brennan, “In Jamaica, you want to be in your safe place by nightfall and be prepared to shelter in place through the day on Wednesday.”
Ayon sa NHC, nakataas na ang hurricane warning sa isla, kung saan inaasahan ang flash flooding bukod pa sa ‘life-threatening’ winds at storm surge.
Sa magkabilang panig ng Jamaica, ay isinasagawa na ang emergency response preparations, kabilang ang pagtatayo ng mga shelter at pag-iipon ng mga pangangailangan, kinukumpuni na rin ng mga mamamayan ang kanilang mga tahanan at ang mga bangka ay inaalis na mula sa tubig.
Sinabi ni Prime Minister Andrew Holness, “I urge all Jamaicans to stock up on food, batteries, candles, and water. Secure your critical documents and remove any trees or items that could endanger your property.”
Bukod sa Jamaica, itinaas na rin ang hurricane warnings sa Cayman Islands, kung saan inaasahang daraan malapit o sa ibabaw nito ang Hurricane Beryl ngayong Miyerkoles o umaga ng Huwebes, ayon sa NHC.
Si Beryl ay pumatay na ng tatlo katao sa Grenada kung saan ito naglandfall noong Lunes, isa sa St Vincent and the Grenadines at isa rin sa Venezuela, ayon sa mga opisyal.
Ayon kay Grenada Prime Minister Dickon Mitchell, “The island of Carriacou, which was struck by the eye of the storm, has been all but cut off, with houses, telecommunications and fuel facilities there flattened.”
Aniya, “We’ve had virtually no communication with Carriacou in the last 12 hours except briefly this morning by satellite phone.”
Ang 13.5-square mile (35-square kilometer) island ay tahanan ng humigit-kumulang 9,000 katao. Ayon kay Mitchell, hindi bababa sa dalawa katao ang namatay doon, na ang ikatlo ay namatay sa main island ng Grenada nang bagsakan ng puno ang bahay nito.
Sa St Vincent and the Grenadines naman ay isa ang napaulat na namatay sa isla ng Bequia dahil sa bagyo, at sa northeastern coastal state ng Sucre sa Venezuela ay isang lalaki ang namatay nang tangayin ng umapaw na ilog.
Nagpahayag naman ng pag-aalala si World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, at sinabi, “My organization stands ready to support the national authorities with any health needs.”
Ayon sa mga eksperto, lubhang hindi pangkaraniwan na mabuo ang isang malakas na bagyo nang ganito kaaga sa Atlantic hurricane season, na nagsisimula sa mga unang bahagi ng June hanggang sa huling bahagi ng Nobyembre.
Sinabi ng World Meteorological Organization (WMO), “Beryl sets an alarming precedent for what is expected to be a very active hurricane season.”
Noong Mayo ay sinabi ng US National Oceanic and Atmospheric Administration, “We expect this year to be an ‘extraordinary’ hurricane season, with up to seven storms of Category 3 or above.”
Ayon naman kay UN climate chief Simon Stiell, na may pamilya sa isla ng Carriacou, “Climate change was pushing disasters to record-breaking new levels of destruction. Disasters on a scale that used to be the stuff of science fiction are becoming meteorological facts, and the climate crisis is the chief culprit. Even my parents’ property was damaged.”
Si Beryl ay mayroong maximum sustained winds na 155 miles (250 kilometers) per hour habang kumikilos patungo sa Jamaica at Cayman Islands nitong Martes.
Samantala, itinaas na rin ang hurricane watch at tropical storm warnings sa ilang bahagi ng Haiti at ng Dominican Republic.