Lima patay sa bagyo sa US

People walk in the streets of downtown Des Moines during a snow squall on January 10, 2024 in Des Moines, Iowa. Photo by Anna Moneymaker / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

Pinaghahandaan na ng malaking bahagi ng Estados Unidos ang mas marami pang niyebe at mas malamig na temperatura, habang hindi naman bababa sa lima ang nasawi sa bahaging silangan bunsod ng “severe winter weather.”

Ang pinakahuling bagyo, na nagdadala na ng pag-ulan sa Kanluran, ay inaasahang mananalasa sa buong bansa ngayong linggo, na magdudulot ng isang ‘Arctic blast’ sa mga rehiyon sa hilaga at nagbunsod ng weather advisories o warnings sa dose-dosenang mga estado mula sa California hanggang Maine.

This aerial view shows homes are surrounded by flood waters in Hampton, New Hampshire, on January 10, 2024. – Hampton police said they declared the emergency “as a result of extremely high seas and flooding.” A storm packing high winds and heavy rain was sweeping through the Northeast early January 10. (Photo by Lauren Owens Lambert / AFP)

Sa isang pahayag ay sinabi ng National Weather Service (NWS), “A potent Arctic front drops southward from Canada on Wednesday and this will herald the arrival of the coldest temperatures so far this season for the Northern Plains, with subzero lows becoming a reality for Montana and the Dakotas, and highs remaining below freezing as far south as Oklahoma by Friday.”

Bukod pa ito sa mababagsik na mga bagyo na nagdala ng mga buhawi sa Timog, mapanganib na mga pagbaha sa silangan at blizzards sa Great Lakes region at iba pang lugar, na nagpaantala sa libu-libong commercial flights at nagtulak sa mga gobernador na magdeklara ng states of emergency.

Mahigit sa 400,000 customers ang nawalan ng suplay ng kuryente noong Miyerkoles, kabilang ang 140,000 sa New York state, ayon sa monitoring website na Poweroutage.us, mas mababa mula sa halos 900,000 customers sa buong bansa na nawalan ng suplay ng kuryente noong Martes ng gabi.

This image obtained from the Bay County Sheriff’s Office in Florida shows storm damage around Panama City, Florida, on January 9, 2024. – At least three tornadoes were reported early January 9 on the Florida panhandle, according to the National Weather Service. Severe weather battered the USTuesday, spinning off tornadoes and reportedly killing three people in the South as high winds and blizzards buffeted the North and hundreds of thousands lost power. (Photo by Handout / Bay County Sheriff’s Office / AFP)

Ayon pa sa forecast ng NWS, “several feet of heavy snow and strong winds gusting to 60 mph” (96 kilometers per hour) through Wednesday in the northwest’s Cascades and parts of the Rocky Mountains, with the storm then barrelling eastward and bringing ‘blizzard conditions’ to the Midwest.”

Samantala, nananalasa ang mga buhawi noong Martes sa Florida panhandle, kung saan makikita sa drone images ang nagtumbahang mga puno, nasirang mga gusali na ang mga bubong ay napunit.

Hindi bababa sa limang pagkamatay na may kaugnayan sa bagyo ang naiulat, kabilang ang isang 81-anyos na babaeng taga Alabama na ang bahay ay napaulat na tinamaan ng isang buhawi.

Ang panahon ay nagkaroon na ng malubhang epekto sa biyahe ng mga eroplano, kung saan mahigit sa 659 na ang nakansela at 1,300 naman ang naantala.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *