Limang bangkay at wreckage, natagpuan ng mga naghahanap sa bumagsak na helicopter sa Japan
Nakakita ang Japanese army ng wreckage at limang bangkay, habang hinahanap ang crew na lulan ng isang helicopter na nawala sa radar sa mga unang bahagi ng buwang ito.
Ang aircraft na may lulang 10 katao ay nasa isang reconnaissance mission nang ito ay mawala noong April 6, na ayon sa paglalarawan ng Ground Self-Defense Force (GSDF) ay isang “aerial accident.”
Dalawang piloto, dalawang mechanics at anim na crew members ang sakay ng UH-60JA, kabilang ang isang GSDF general mula sa 8th division.
Ang bagong nasumpungang wreckage ay malinaw na mula sa nawawalang helicopter, subalit wala nang iba pang mga detalye sa pagkakakilanlan sa mga na-retrieve na bangkay ayon sa tagapagsalita ng army.
Aniya, “There are still five left undiscovered, so search and rescue operations are underway simultaneously.”
Una rito ay nakakita na ang coastguard rescuers ng ilang piraso ng debris na lumilitaw na galing sa helicopter, gaya ng isang pinto, nabaling blade at isang dilaw na life raft na nasa loob pa ng isang bag.
Wala pang indikasyon kung ano ang sanhi ng aksidente.
© Agence France-Presse