Limang manlalaro sinunspinde ng NBA dahil sa nangyaring sigalot sa pagitan ng Heat at Pelicans
Kabilang ang Miami Heat scoring leader na si Jimmy Butler sa limang mga manlalaro na sinuspinde ng NBA, dahil sa pagkakasangkot sa nangyaring sigalot sa court sa pagitan ng Heat at New Orleans Pelicans.
Si Butler at ang forward ng Pelicans na si Naji Marshall ay kapwa suspendido ng isang laro ng walang bayad, dahil sa pagsisimula ng gulo sa loob ng court noong Biyernes, kung saan nagwagi ang Miami kontra Pelicans sa score na 106-95.
Kapwa naman suspendido ng tatlong laro ng walang bayad ang Heat center na si Thomas Bryant at Pelicans guard na si Jose Alvarado ng Puerto Rico, dahil iniwan nila ang bench at nakisali sa gulo.
Binawalan namang maglaro ng isang game ang 20-anyos na Serbian na forward ng Miami na si Nikola Jokic, dahil sa pag-alis sa bench area at pakikilahok din sa sigalot.
Nagsimula ang gulo nang gumawa ng foul si Kevin Love ng Miami para mapigilang makapagbuslo ng bola si Zion Williamson ng Pelicans sa 41-segundo na lamang na nalalabi sa fourth quarter.
Pinaalis sa game dahil sa technical fouls sina Alvarado, Bryant, Butler at Marshall.
Nagsimula ang suspensiyon ni Alvarado at Marshall nitong Linggo, sa paghaharap ng Pelicans at ng Chicago.
Ngayong Lunes naman ang simula ng suspensiyon ni Bryant, kapag nagharap ang Heat at ang Sacramento Butler habang si Jokic ay hindi na rin makapaglalaro sa paghaharap ng Miami at Kings.
Ang Heat ay nasa rank No. 8 sa Eastern Conference sa record na 31-25, na may three-game win streak habang ang Pelicans ay fifth place sa Western Conference sa record na 34-23.