Limang signs ng eye irritation na hindi dapat ipagwalang bahala ayon sa mga eksperto
Sa panahong ito tunay na napakaraming mararanasang eye irritation sanhi ng alikabok, matinding sikat ng araw, dumi at maging stress na nararanasan ay maaring maging dahilang ng eye irritation.
Ayon sa mga opthalmologist, may limang signs ng eye irritation na hindi dapat na ipagwalang bahala.
Kabilang dito ang red eyes o pamumula ng mga mata, na ang karaniwang dahilan ay allergy, alikabok, dumi, polusyon, usok at eye infection dahil sa matinding exposure sa outdoor activities ng mga motor riders o commuters.
Ang watery eyes o pagtutubig ng mga mata, dahil naman sa excessive tearing o pagluha, hindi sanhi ng pag iyak, bagkus mula ito sa irritation o inflammation ng surface ng mga mata.
Sore eyes, sanhi ng irritation mula sa computer screen o pagbabasa ng libro ng mahabang oras.
Pangangati ng mga mata na karaniwang sanhi ng allergies at madalas na pagkahantad sa mga household elements katulad ng molds at dust.
Dry eyes, ang sanhi naman nito ay dahil sa mahabang oras ng paggamit ng computer at iba pang mga gadgets at mahabang oras ng panood ng telebisyon.
Ayon sa mga eksperto, mainam na kumonsulta sa isang eye expert, minsan sa isang taon para mabigyan ng comprehensive eye check up at iba ito sa vision screening na tinatawag dahil hindi ito maaaring ipanghalili sa isang complete eye examinations.
Ulat ni: Anabelle Surara