Limitadong pag-atake sa Israel ipinabatid ng Iran sa US
Sinabi ng foreign minister ng Iran na ipinabatid ng Tehran sa Estados Unidos at nagbigay ng 72-oras na babala sa mga katabing bansa, ang gagawin nilang retaliatory attack sa Israel.
Sinabi ni Hossein Amir-Abdollahian, “We announced… to the White House in a message that our operations will be limited, minimal and will be aimed at punishing the Israeli regime.”
Ang pahayag ay ginawa ng top diplomat ng Iran sa briefing sa foreign diplomats tungkol sa drone at missile attack sa Israel bilang ganti sa April 1 strike ng Israel sa Damascus consulate ng Iran.
Ang pag-atake sa Damascus ay ikinawasak ng limang palapag na consular annex ng Iranian embassy sa Syrian capital, at ikinasawi ng pitong Revolutionary Guards, na ang dalawa ay mga heneral.
Nangako ang Tehran na ipaghihiganti nila ang pag-atake na isinisisi sa Israel.
Sa briefing nitong Linggo ay sinabi ni Amir-Abdollahian, “Iran had informed neighbouring countries of its planned retaliatory attack ‘72 hours before’ the operation.”
Aniya, “We announced to our brothers and friends in the region, including the countries hosting American military bases, that our objective was only to punish the Israeli regime.”
Dagdag pa ng opisyal, “We are not seeking to target the American people or American bases in the region, but Iran could target US military positions involved in ‘defending and supporting’ Israel.”