Limitadong physical exercises , papayagan na muli sa UP Los Baños
Unti-unti nang bubuksan ang UP Los Baños campus para sa mga physical activities.
Simula sa November 28 ay papayagan na ang limitadong pag-e-ehersisyo sa loob ng UPLB campus.
Sa abiso ng UPLB, ang mga individual exercises gaya ng walking, jogging, running, at stretching pa lang ang papahintulutan sa itinalagang UPLB Jogging Lane mula ala-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga ng Sabado hanggang Linggo.
Bawal pa rin ang mga group exercises gaya ng zumba, tai chi, yoga at mga katulad nito.
Tanging ang mga estudyante, alumni, retired at kasalukuyang kawani ng UPLB at isang kasamahan nito ang papayagan na makapag-ehersisyo.
Kailangan din na may suot ang mga ito na face mask, face shield sa kanilang pagpasok sa UPLB Jogging Lane, at may dalang sariling ethyl o isopropyl alcohol, at inuming tubig.
Hanggang 200 katao lamang din ang pwede na makapag-ehersisyo sa loob ng campus.
Hindi rin papayagan ang mga may masamang pakiramdam, buntis, 15 years old pababa, may co/mor/bi/di/ties, at immuno deficiency conditions.
Pinaalala rin na bawal pa rin na magdala ang mga otorisadong indibidwal ng mga alagang hayop, pagkain, at social gathering o pagtambay sa loob ng campus.
Una nang ipinagbawal ang mga aktibidad sa loob ng UPLB Campus mula nang ipatupad sa bansa ang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Moira Encina