Lionel Messi itinanghal na ‘Athlete Of The Year’ ng Time Magazine
Itinanghal na “Athlete of the Year” ng Time Magazine si Lionel Messi para sa 2023, matapos ang isang trailblazing season na minarkahan ng ikawalo niyang Ballon d’Or award at ng kaniyang paglipat sa Inter Miami ng Major League Soccer (MLS).
Ayon sa Time, nagkaroon na ng ‘transformative impact’ ang Argentine superstar sa American sporting landscape, na sa kasaysayan ay naging mabagal sa pagyakap sa football.
Sa komento ng Time, “Lionel Messi this year managed to do what once seemed impossible, when he signed with Inter Miami: turning the US into a soccer country.”
Ang trenta’y sais anyos na si Messi ay nag-debut para sa Miami noong Hulyo kasunod ng kaniyang pag-alis sa koponan ng Paris Saint-Germain.
Tinanggihan din ng World Cup-winner ang paglipat sa Saudi Arabia kung saan mas malaki ang offer, kapalit ng isang bagong kabanata sa MLS.
Ang eight-time Ballon d’Or winner ay gumawa ng agarang epekto sa kapalaran ng Miami, kung saan nagkaroon ito ng isang mahalagang papel sa pagtulong sa koponan na manalo sa pinalawak na Leagues Cup, isang cross-border na kumpetisyon para sa mga koponan mula sa MLS at nangungunang flight ng Mexico.
Tinapos ni Messi ang kampanya na may 11 goals sa 14 na appearances sa lahat ng mga kumpetisyon, ngunit ang tinamong injury sa pagtatapos ng season ay naging sanhi upang hindi niya matulungan ang Miami na makapasok sa playoffs.
Banggit si Messi, sinabi ng Time na ang unang nais nito pagkatapos ng PSG ay ang magbalik sa Barcelona, ngunit hindi natuloy dahil sa problema sa pananalapi ng nasabing koponan.
Aniya, “I tried to return, and it did not happen. I was also ‘thinking a lot’ about joining the wave of overseas players who have headed to the Saudi Pro League. It was Saudi Arabia or MLS, and both options seemed very interesting to me.”
Sinabi ng Time na ang pagdating ni Messi ay nagpataas sa bilang ng mga nanood ng live sa laro, nagpataas din sa merchandise sales at viewership, at sa araw ng kaniyang debut, ang subscriptions sa Apple TV na namalaging may exclusive rights sa MLS, ay umakyat ng isangdaan at sampung libo, mas mataas ng isanglibo at pitongdaang porsiyento kumpara sa sinundang araw.