Lisensiya ng baril ng ilang indibidwal na iniuugnay sa “Angels of Death” ni Quiboloy, biniberipika na ng PNP Civil Security Group

Photo courtesy: CSG - Civil Security Group FB

Kinumpirma ng PNP – Civil Security Group na gumugulong na ang kanilang imbestigasyon sa ilang indibiduwal na iniuugnay sa “Angels of Death” ni KOJC leader Apollo Quibuloy.

Ayon kay PNP-CSG Spokesperson, Pol. Lt. Col. Eudisan Gultiano, nakatanggap sila ng request mula sa Davao City Police Office para ipaberipika ang ilang indibidwal kung may lisensya sila ng baril.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ilan sa mga ito ay lisensyadong humawak ng baril habang may ilan naman ang wala sa kanilang data.

Hinihintay naman ng CSG ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Davao police na magiging basehan kung kakanselahin ang lisensya ng baril ng mga ito.

Nagbabala si Gultiano na posibleng maharap sa kaso ang mga indibiduwal na nagmamay-ari ng baril na walang kaukulang lisensya.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *