Listahan ng distribution areas para sa Financial Assistance sa mga residente ng Marikina city, inilabas na
Nagpalabas na ng listahan ang Marikina City Government ng schedule ng pamamahagi ng financial aid ganundin ang mga kwalipikadong residente na mapagkakalooban ng assistance.
Ang listahan ay makikita sa Marikina PIO Facebook page at website ng lunsod.
Ipapaskil din sa mga Barangay ang petsa at lugar ng distribusyon.
Ibabase ang mga benepisyaryo sa itinakdang listahan ng DSWD, DILG, at Department of National Defense sa kanilang Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2021.
Mahigpit din na ipatutupad ang mga Health protocol sa mga lugar ng distribusyon, partikular ang social distancing, at pagsusuot ng face mask at face shield.
1,000 sa kada isang miyembro ng pamilya ang nakatakdang ipamahagi ngunit hindi naman lalagpas sa 4,000 piso ang ibibigay sa isang pamilya na may apat na miyembro o higit pa.
Pinaalalahanan naman ang mga kwalipikadong tatanggap ng ayuda na magdala ng valid ID na may lagda at dalawang (2) photocopy ng valid ID na may tatlong (3) lagda sa bawat kopya.
Kung may katanungan naman kaugnay sa ECQ Financial Assistance ay maaring tumawag sa mga numero na makikita sa Marikina PIO facebook page.
Ken Mesina