Live concert ng Westlife sa Maynila: Hindi makalilimutang mga alaala at ‘Timeless Hits’
Pinahanga ng Irish boyband na Westlife ang kanilang Pinoy fans sa pinakainaabangan nilang concert na ginanap kagabi sa Araneta Coliseum sa Maynila.
Ang grupo, na binubuo nina Shane Filan, Mark Feehily, Kian Egan, at Nicky Byrne, ay nagtanghal ng dalawang oras na kinabibilangan ng kanilang mga klasikong hit at ilang bagong kanta mula sa kanilang pinakabagong album.
Inawit nila sa kanilang entrance ang “Starlight” mula sa kanilang Wild Dreams album. Sinundan ito ng kanilang hit songs na “Uptown Girl,” “When you’re looking like that,” “Fool Again,” “If I Let you Go,” “My Love” at “Swear it Again.”
Pinasaya rin nila ang mga manonood sa pamamagitan ng medley ng kanilang coversongs: Mamma Mia / Gimme Gimme Gimme / Money Money Money / I Have a Dream / Dancing Queen / Waterloo / Thank You For The Music.
Si Markus “Mark” Feehily, isa sa dalawang lead vocalist, matapos gumaling mula sa pneumonia, ay matagumpay na nakabalik sa entablado. Tuwang-tuwan ang mga tagahanga na makitang muli ang singer sa aksyon, nang ibirit niya ang ilan sa mga pinakamalaking hit ng Westlife sa pamamagitan ng kaniyang “passion and energy” trademark.
Ang Westlife ay isang Irish pop boyband na nakamit ang isang makahulugang “commercial success” at nanalo ng maraming mga parangal sa buong career nila.
Nakapagbenta sila ng higit sa 55 milyong records sa buong mundo, sanhi para sila ay maging isa sa “best-selling boyband of all times.”
Sa buong panahon ng konsiyerto, ipinakita ng mga miyembro ng Westlife ang kanilang mga kahanga-hangang “vocals and harmonies,” at nakipag-ugnayan din sila sa mga manonood, na nagpapahayag ng kanilang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang mga tagahanga sa Pilipinas. Masigasig namang tumugon ang mga tagahanga, sumasabay sa pag-awit sa bawat kanta at sabay-sabay na winawagayway ang kanilang mga light stick.
Sa pangkalahatan, ang Day 1 ng concert ay isang malakas na tagumpay, kung saan ang mga tagahanga ay lumabas ng arena na tuwang-tuwa at nasisiyahan sa kanilang karanasan.
Ang huling araw ng kanilang Manila concert ay magaganap mamayang gabi sa parehong venue.
With report by AV Mendoza