Loan program para sa mga negosyong naapektuhan ng Bagyong Kristine, inilunsad ng DTI

Courtesy: DTI Philippines and Sec. Cristina Aldeguer-Roque

Maaaring makakuha ng tulong pinansiyal ang mga maliliit na negosyo na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Ito ay sa ilalim ng Enterprise Rehabilitation Financing (ERF) Program ng Small Business Corporation na inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI, layunin ng loan program na matulungan ang micro, small, and enterprises (MSMEs) sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Kristine na makabangon mula sa epekto ng kalamidad.

Sinabi ng DTI na puwedeng gamitin ang loan para sa pag-aayos at pagkukumpuni ng mga nasirang gamit sa negosyo, pambili ng inventories at pamalit sa nawalang kita.

Cortesy: DTI Philippines and Sec. Crisitna Roque

Ang mga interesado at kuwalipikadong MSMEs ay puwedeng mag-apply online sa https://brs.sbcorp.ph.

Kabuuang P2 bilyon ang budget para sa programa at maaaring makapag-loan ang MSMEs ng hanggang P300,000.

Para sa unang taon ay walang interes na ipapataw at sa ikalawa at ikatlong taon ay may 1% monthly interes sa nalalabing balance.

Payable kada buwan hanggang tatlong taon ang loan kasama ang tatlong buwan na grace period para sa borrowers.

Moira Encina -Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *