Local Clinical Trials sa mga posibleng gamot sa COVID-19, patuloy
Tiniyak ng Department of Health na patuloy parin ang mga ginagawang local clinical trials sa bansa para sa mga posibleng gamot sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ilan rito ay ang trial para sa tawa-tawa at Avigan trial na para sa mild to moderate COVID-19 patients.
Habang ang Lagundi clinical trial naman ay para sa mild COVID-19 patients na walang comorbidities o existing na sakit bago dinapuan ng virus.
Ang VCO trial naman ayon kay Vergeire ay para naman sa mga pasyente na nasa mga ospital, at mga suspect o probable cases ng COVID-19.
Patuloy din ayon kay Vergeire ang pag aaral sa plasma theraphy o convalescent plasma na mula sa dugo ng mga COVID-19 survivor at ibinibigay sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.
Dagdag pa ni Vergeire na maliban sa mga ito ay tuloy parin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga manufacturer ng mga posibleng gamot o bakuna sa COVID-19.
Madz Moratillo