Local government executives , pinaghahanda ng Malakanyang sa pagpapatupad ng granular lockdown kapag lumala ang kaso ng COVID-19
Inihayag ng Malakanyang na dapat preparado ang mga Local Government Executives kung sakaling lumala ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles malaki ang papel na gagampanan ng mga Local Government Units o LGUS sa paglaban sa Omicron variant ng COVID-19 sa sandaling makapasok na ito sa bansa.
Ayon kay Nograles binigyan na ng Inter Agency Task Force o IATF ng kapangyarihan ang mga LGUS na magpatupad ng granular lockdown sa kanilang nasasakupan kapag mayroong pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Inihayag ni Nograles inaasahan ng pamahalaan na posibleng makapasok sa bansa ang Omicron variant ng COVID-19 kaya mahigpit ang ginagawang monitoring ng IATF.
Vic Somintac