Locally produced Sputnik V vaccine, ipinamahagi na sa Argentina
BUENOS AIRES, Argentina (AFP) – Sinimulan nang ipamahagi ng Argentina ang unang batch ng higit sa isang milyong doses ng locally produced Russian Sputnik V COVID-19 vaccine.
Una nang inanunsyo noong Hunyo ng Argentina, na isang local pharmaceutical company ang gagawa ng bakuna gamit ang isang antigen na mula sa Moscow-based maker ng Sputnik.
Kaugnay nito, ang Laboratorios Richmond, ang pharmaceutical company na naatasang gumawa ng bakuna, ay nakapagproduce na ng 995,000 units ng unang dose at 152,000 ng second dose.
Ayon sa Russian Direct Investmenf Fund (RDIF) na nagpondo sa Sputnik V at nag-alok nito sa ibang bansa, ngayong Agosto ay inaasahang makagagawa ang Laboratorios Richmond ng dalawang milyon pang doses.
Noong Disyembre, Sputnik V ang unang coronavirus vaccine na ini-alok sa Argentina, subalit nagkaroon ng mga delay sa shipping ng second dose.
Agence France-Presse