Lockdown pinalawig pa ng Sydney, partial curfew ipinatupad
SYDNEY, Australia (AFP) – Pinalawig pa ng Sydney ng isang buwan ang 2 buwang umiiral na lockdown, at nagpatupad ng partial curfew.
Ang desisyon ay inanunsyo ni New South Wales premier Gladys Berejiklian.
Aniya . . . “Unfortunately the case numbers continue to grow. This is what life will look like for most of us until the end of September.”
Ang lungsod ay nakapagtatala ngayon ng 600 mga kaso araw-araw.
Mananatili rin ang stay-at-home orders sa magkabilang panig ng siyudad hanggang sa katapusan ng Setyembre, at ang mga residente sa virus hotspots ay papatawan ng nighttime curfew, at papayagang makapagsagawa ng outdoor exercises sa loob lamang ng isang oras bawat araw.
Nasa isang libong defence force personnel din ang tutulong sa pulisya sa pagpapatupad ng mga restriksiyon, dahil dumarami na ang lumalabag sa mga panuntunan.
Bunsod naman ng patuloy na pagtaas sa bilang ng mga namamatay at pagkalat ng virus sa regional areas, minamadali na ngayon ng Australia ang pagbabakuna.
Nasa 30 porsiyento pa lamang ng populasyon ang fully vaccinated na.
Agence France-Presse