Lokal na pamahalaan ng Maynila, nagtalaga ng 77 vaccination sites
Para sa huling araw ng unang bugso ng National Vaccination Day, may 77 sites na itinalaga ang lokal na pamahalaan ng Maynila na maaaring puntahan ng ating mga kababayan.
Para sa mga nasa A1 hanggang A5 na magpaturok ng 1st dose ng Covid-19 vaccines maaaring magpunta sa 45 health center o mga ospital sa 6 na Distrito sa Lungsod, o di kaya ay sa SM Manila, SM San Lazaro, Robinson’s Place Manila o sa Lucky Chinatown Mall, o di kaya ay sa La Consolacion College Manila.
Para naman sa mga nasa kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos na magpapabakuna ng 1st dose pwedeng magpunta sa Manila Cathedral, Holy Child Catholic School, at sa 4 na mall site, at mga district hospital sa lungsod.
May 2nd dose vaccination rin sa mga nasa A1 hanggang A5 na naturukan ng AstraZeneca noong October 6 na gqgawin sa mga health center sa Lungsod at sa Drive thru vaccination area.
May 2nd dose vaccination rin sa mga menor de edad na nabakunahan ng Pfizer noong November 10 na gagawin sa 4 na mall sites, district hospitals at sa Drive thru vaccination site.
May booster shot vaccination rin para sa A1 hanggang A3 sa La Consolacion College.
Paalala naman ng Manila LGU, kahit tapos na ang National Vaccination Day, tuloy parin ang bakunahan kontra Covid-19 sa lungsod.
Madz Moratillo