Lola ng pinatay na French teenager nanawagan na maging kalmado, matapos ang insidente ng pag-atake sa tahanan ng isang alkalde
Nanawagan ang lola ng French teenager na pinatay ng pulis at nagbunga ng mga riot, na maging kalmado matapos ang insidente ng pag-atake sa bahay ng alkalde ng isang Paris suburb sa pamamagitan ng isang nasusunog na kotse, sa pagsiklab ng panibagong karahasan.
Limang gabi nang nakikipaglaban ang gobyerno ni French President Emmanuel Macron sa mararahas na mga protesta, mula nang barilin at mapatay ng isang police officer ang 17-anyos na si Nahel M. sa Paris suburb ng Nanterre noong Martes, sa isang traffic check.
Ang pagkakapatay kay Nahel M, na may Algerian origin, ay bumuhay sa matagal nang akusasyon ng institutional racism sa loob ng French police.
Sinabi ng interior ministry, na magde-deploy sila ng 45,000 mga pulis at gendarmes sa buong bansa sa magdamag ng Linggo hanggang Lunes, kaparehong bilang ng idineploy sa nagdaang dalawang gabi.
Ayon pa sa ministry, 719 na katao na ang inaresto sa magdamag, humigit-kumulang sa kalahati ng bilang ng nagdaang gabi. Ang matitinding labanan ay naiulat sa ilang mga lugar, kabilang ang timugang siyudad ng Marseille.
Sa isang panayam sa telepono na ipinalabas sa telebisyon, ay nanawagan ang lola ni Nahel na si Nadia, “Stop and do not riot. The rioters are ony using his death as a pretext. I tell the people who are rioting this: Do not smash windows, attack schools or buses. Stop! It’s the mums who are taking the bus, it’s the mums who walk outside.”
Dagdag pa niya, “I was ‘tired.’ Nahel, he is dead. My daughter had only one child, and now she is lost, it’s over, my daughter no longer has a life. And as for me, they made me lose my daughter and my grandson.”
Sinabi naman ng prosecutors, na kinondena ng mga pulitiko ang pag-atake sa tahanan ni Vincent Jeanbrun, ang right-wing mayor ng L’Hay-les-Roses sa labas ng Paris, kung saan itinulak ng mga salarin patungo sa tahanan ng alkalde ang isang nasusunog na kotse sa layuning sunugin ang bahay nito.
Ayon pa sa mga taga-usig, ang asawa at mga anak ni Jeanbrun na edad lima at pito ay nasa bahay, habang ang alkalde ay nasa town hall at inaasikaso ang mga riot. Ang asawa nito ay malubhang nasaktan, matapos mabalian ng binti.
Bunsod nito, nagbukas ang prosecutors ng isang attempted murder investigation.
Sa isang pahayag ay sinabi ng alkalde, “Last night the horror and disgrace reached a new level.”
Sinabi naman ni Prime Minister Elisabeth Borne, “The situation was much calmer overall when I visited L’Hay-les-Roses. But an act of the kind we saw this morning here is particularly shocking. We will let no violence get by ‘unpunished’ and so I urged that the perpetrators be sanctioned with the ‘utmost’ severity.”
Ang kaguluhan ay nagdulot ng mga alalahanin sa ibang bansa, dahil ang France ay magho-host ng Rugby World Cup sa autumn at Paris Olympic Games sa summer ng 2024.
Ipinagpaliban ni Macron ang isang state visit sa Germany na nakatakdang magsimula nitong Linggo, bilang indikasyon ng kabigatan ng sitwasyon sa France.
Sinabi ni German Chancellor Olaf Scholz, “We are of course looking at (the riots) with concern, and I very much hope, and I am certainly convinced, that the French president will find ways to ensure that this situation improves quickly.”
Nitong Linggo ay pinangunahan din ni Macron ang isang crisis meeting sa government ministers.
Pagkatapos ng nasabing pulong, naglabas ng pahayag ang kaniyang tanggapan na nagsasabing makikipagpulong siya sa mga mga pinuno ng dalawang chambers ng parliyamento sa Lunes at Martes, sa mga alkalde ng higit 220 mga bayan na tinamaan ng kaguluhan.
Sa pagsisikap na malimitahan ang mga karahasan, ang mga bus at trams sa France ay huminto na ng operasyon pagkalipas ng alas-9 ng gabi, at ipinagbawal ang bentahan ng malalaking fireworks. Tumigil din ang lahat ng urban transport sa Marseille simula ala-6 ng gabi.
Sinabi ng race organisers ng Tour de France, na mataman nilang babantayan ang sitwasyon habang naghahanda ang tour na tumawid sa border nito sa France, makalipas ang dalawang araw sa Spanish Basque country.
Hinikayat ni Macron ang mga magulang na tanggapin ang responsibilidad para sa mga menor de edad na rioters, na ang isang-katlo o one-third sa mga ito ay “bata o napakabata” at sinabi naman ni Interior Minister Gerald Darmanin na ang average na edad ng mga naaresto ay 17-anyos lamang.
Isang 38-anyos na pulis ang kinasuhan ng voluntary homicide dahil sa pagkamatay ni Nahel, at nakakustodiya na.
Ayon sa lola ni Nahel, “This man must pay, like everyone else. Those who are rioting, who attack the police must also be punished. I believe in justice.”