Lombok island sa Indonesia, niyanig ng 2 lindol
Halos hindi nakatulog ang mga residente ng isla ng Lombok sa Indonesia matapos ang dalawang beses na pagyanig.
Unang naramdaman ang magnitude 6.3 na lindol kahapon ng hapon na may lalim na 7.9 kilometro kung saan isang tao ang namatay dahil sa atake sa puso.
Isandaang bahay din ang nasira sa unang lindol.
Naramdaman ang pangalawang lindol kaninang madaling araw
May lalim itong 10 kilometro at nagdulot ng landslide sa lugar.
================
Please follow and like us: