Long-term future hindi pa iniisip ni Messi, makaraang mapanalunan sa ika-walong pagkakataon ang Ballon d’Or
Sinabi ni Lionel Messi, na hindi pa niya iniisip ang tungkol sa kaniyang ‘long-term future,’ dahil gusto niyang i-enjoy ang ika-walo niyang Ballon d’Or trophy.
Ang 36-anyos na si Messi ang pumalit kay Karim Benzema bilang winner ng premyo, na iginawad kaugnay ng kaniyang naging performances sa nakaraang season, nang maging inspirasyon siya ng Argentina upang magwagi sa World Cup sa Qatar.
Pagkatapos niyang tanggapin ang kaniyang award, ay sinabi ni Messi sa mga mamamahayag, “The last one I won was also thanks to what we achieved with the Argentine national team in the Copa America (in 2021), but this one is much more special because it comes after we won the World Cup. That is the trophy everyone wants to win the most, and it was a dream come true for me, my teammates and my country.”
Hinila niya ang Argentina sa pagtatagumpay sa Qatar na naging korona ng kahanga-hanga niyang career at nagbigay sa kaniya ng pagkakataon na maging ka-kompetensiya para sa Ballon d’Or si Kylian Mbappe at Erling Haaland.
Si Haaland ay pumangalawa sa final voting, habang pangatlo si Mbappe at pang-apat si Kevin De Bruyne.
Ang dating Barcelona superstar na si Messi ay pitong ulit na naka-score sa World Cup at pinangalanang best player ng torneo matapos talunin ng Argentina ang France sa final sa Doha.
Ngunit si Messi, na nanalo ng kanyang unang Ballon d’Or noong 2009, ay nagkaroon din ng hindi magandang huling season sa Paris Saint-Germain (PSG), bago umalis upang maglaro para sa Inter Miami sa Major League Soccer.
Binalewala niya ang mga mungkahi na maaari siyang bumalik para sa isa pang Ballon d’Or, posibleng pagkatapos ng susunod na World Cup sa 2026, kung kailan siya ay 39 na.
Sinabi ni Messi, “I am not thinking about the long-term future. I am just enjoying the day to day at the moment. We have a Copa America coming up in the United States, where I am now, in which we are the holders, so I am looking forward to coming into that in good shape and then just see how I am getting on from there.”
Inamin ni Messi sa kanyang pagbabalik sa kabisera ng Pransya na ang kanyang dalawang taong pananatili sa PSG ay hindi naging katulad ng kanyang inakala nang pumirma siya mula sa Barcelona noong 2021.
Aniya, “Things didn’t turn out as I hoped but I enjoyed the city a lot, and my kids liked it a lot and found it hard to leave. It is a spectacular city and I was lucky to live here. Football-wise it did not go the way I hoped but I prefer to remember the many good things.”