‘Lord of the Rings’ star na si Ian McKellen na-ospital matapos mahulog sa entablado
Isinugod sa pagamutan ang beteranong British actor na si Ian McKellen, na gumanap bilang Gandalf sa “Lord of the Rings” film trilogy, makaraang mahulog mula sa entablado sa London habang nagtatanghal.
Ang 85-anyos ay gumaganap bilang John Falstaff sa isang produksiyon ng “Player Kings” sa Noel Coward Theatre saWest End sa London, nang mawalan ng balanse sa isang fight scene.
Ayon sa isang tagapagsalita ng teatro, “Following a scan, the brilliant NHS (National Health Service) team have assured us that he will make a speedy and full recovery and Ian is in good spirits.”
Aniya, “The production has made the decision to cancel the performance on Tuesday June 18 so Ian can rest.”
Inaasahang babalik sa entablaso si Ian bukas, Miyerkoles.
Si McKellen, na gumanap din sa papel bilang “Magneto” sa X-Men films, ay isa mga kinikilalang aktor sa Britanya, dahil sa marami na niyang napanalunang awards sa loob ng 60 taon niyang career sa stage at screen.
Sa “Player Kings” ay muling nagbabalik si McKellen kay Shakespeare, kung saan pinagsama rito ang dalawa sa history play ni Bard tungkol kay King Henry IV.