Los Angeles apektado na rin ng Hollywood Strike na nasa ika-100 araw na
Lahat ay apektado na nang Hollywood strike na ngayon ay nasa ika-100 araw na
Sa kanyang dry cleaning shop malapit sa Warner Bros. at Disney studios, ay tila blangko ang mga matang tinitingnan ni Tom Malian ang isang carousel na halos walang lamang mga polo, jacket at pantalon na karaniwang makikita rito bago pa nagwelga ang mga artista.
Tumigil ang produksiyon ng pelikula at telebisyon, 100 araw na ang nakararaan nang magwelga ang mga manunulat, na sinamahan din ng mga artista pagdating ng kalagitnaan ng Hulyo.
Dahil sa double strike ay nawalan ng laman ang mga opisina at sets sa loob at paligid ng Burbank, sa paligid ng lungsod ng Los Angeles.
The exterior of Toluca Lake Dry Cleaners, owned by Tom Malian, is seen, in Burbank, California on August 7, 2023. In his laundry near the Warner Bros. and Disney studios, Tom Malian looks in despair at a carousel mostly empty of the shirts, jackets and pants that it held before Hollywood went on strike. Film and TV production ground to a halt 100 days ago when writers downed their pens, being joined on the picket lines in mid-July by actors. (Photo by Robyn Beck / AFP)
Sinabi ng 56-anyos na si Malian, na ang 70% ng kinikita ng negosyo ay galing sa studio employees, “If nobody’s in the office, no clothes are coming in, it’s as simple as that.”
At upang makaagapay sa nangyari, ay binawasan ni Malian ang kaniyang opening hours, upang mapababa ang staffing costs ngunit hindi pa rin iyon nakasapat.
Aniya, “My bills are all the same, expenses are all the same, that makes me sweat.”
Naging nakapangingilabot ang katahimikan sa mga restaurants at cafes sa lugar, at kahit na sa panahon ng dapat ay lunch rush, marami pa ring lamesa ang walang nakaupong customers.
Sabi pa ni Malian, “It’s hurting everybody at this point.”
Tom Malian says his dry cleaning shop is struggling to stay afloat as a strike by actors and writers brings the Los Angeles entertainment motor to a halt / Robyn Beck / AFP
Sa kabila ng pagiging malawak na siyudad, ang Los Angeles ay halos para lang ding isang “company town” na gaya ng iba pa sa America, na dinodomina ng isang industriya.
Ang caterers, florists, clothing stores, grocers, realtors at swimming pool cleaners ay pawang umaasa sa $70 billion kada taong suweldo na nagmumula sa produksiyon ng pelikula at telebisyon.
Kapag ang “economic motor” na ito ay huminto, ang lungsod ay magsisimula nang bumagsak.
Ang huling pagkakataon na nagwelga ang mga manunulat ay noong 2007-2008, na inabot din ng 100 araw, at naging sanhi ng pagkalugi sa ekonomiya ng California ng hanggang $2.1 billion, ayon sa analysis ng Milken Institute.
Ang kasalukuyang double strike ng mga artista at manunulat, ang una simula noong 1960s.
Ang isyu ng dalawang grupo ay kapwa tungkol sa mas magandang bayad ng streaming era, at ang banta ng artificial intelligence, na pinangangambahan nilang nais gamitin ng mga studio pamalit sa kanila.
At hanggang ngayon, tila walang sinuman sa mga unyon (ng artista at manunulat) at Alliance of Motion Picture and Television Producers (AMPTP), na grupong kumakatawan sa mga studio, ang nais na sumuko na siya namang ikinababahala ng mga nasa paligid ng industriya.
The Emmy Awards are usually a major earner for Boris Sipen’s chauffeaur business, but the television gala has been postponed indefinitely / Robyn Beck / AFP
Ayon kay Boris Sipen na nagpapatakbo ng isang chauffeuring business, “I own four cars and only one car is working. I lost about 75 percent of the business.”
At dahil walang premieres, screenings, at hindi mabilang na meet-and-greets na bumubuhay sa industriya, ang tanging trabaho na lamang niya ngayon ay magdala ng tao papunta at mula sa paliparan.
Karamihan sa kaniyang mga driver ay nasa bahay lamang at walang kinikita, at hindi niya alam kung gaano pa katagal niyang mapatatakbo ang kaniyang negosyo.
Isa pa sa matinding epekto ay ang walang katiyakang pagkaantala ng Emmy Awards, dahil walang manunulat na magsusulat ng script, at wala ring mga artistang tatanggap sa awards.
Sinabi ni Sipen, na ang gala evening, na karaniwang idinaraos tuwing Setyembre, ang karaniwang pinagmumulan ng malaki niyang kita.
Nagsisimula na ring mag-alala maging ang mga pulitiko sa Democratic Party-dominated state, kaya’t hihikayatin na nila ang magkabilang panig na muling bumalik sa negotiating table.
Noong isang buwan, ay sinabi ni Governor Gavin Newsom na nag-alok na siyang magsilbing mediator, at noong Biyernes nang nakalipas na linggo ay sinabi naman ni Los Angeles Mayor Karen Bass na handa siyang “personal na mamagitan” upang matuloy lamang ang negosasyon.
Aniya, “It is critical that this gets resolved immediately so that Los Angeles gets back on track.”
Salon owner Roxanne Schreiber worries the strike impacts are ‘going to trickle down’ but says she’s standing on the side of the unions / Frederic J. BROWN / AFP
Sa kaniya namang hair salon malapit sa Warner Bros. studio, sinabi ni Roxanne Schreiber na umaasa rin siyang magkakaroon na ng isang kasunduan.
Aniya, nagpostpone na ng appointments ang kaniyang mga kliyente, o kaya naman ay pinipili na lamang ang mas simple, o mas murang gupit ng buhok para makatipid.
Ayon sa 39-anyos, “It’s just going to trickle down. People aren’t going to shop as much.”
Sinabi nito, “My car lease expires in October, and instead of trading up, I wonder if whether I shall keep the older vehicle. I think I might just hold on to it, because who knows? There’s a lot of financial insecurity tied into this for everybody.”
Dagdag pa niya, “But I am clear who I think should be taking a haircut in these talks — the likes of Paramount and Netflix. We all know that the studios are making money from streaming. And they are not sharing it.”