LPA na binabantayan ng Pag-Asa sa Northern Luzon, isa nang bagyo; pinangalanang Inday
Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area o LPA na binabantayan ng Pag-Asa sa Cagayan.
Pinangalanang Inday ang bagyo na huling namataan sa 660 kilometers East- Southeast ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Silangan sa bilis na 15 kilometers bawat oras.
Ayon sa Pagasa sa susunod na 24 na oras ay maari pang lumakas ang bagyo at maging isang tropical storm.
Bagaman hindi magla-landfall, palalakasin ng Pagasa ang Habagat na maghahatid ng malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative region, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.
Makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cavite, Batangas, Laguna at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon hanggang sa Biyernes.
Ayon sa Pagasa sa Sabado inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Inday.
=============