LPA na pumasok sa bansa, posibleng maging bagyo sa susunod na 48 oras
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area (LPA) kaninang alas-3:00 ng hapon.
Ayon sa Pag-Asa DOST, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,035 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes
Ang trough ng LPA ay magdudulot ng mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga, Davao.
Patuloy naman ang pag-iral ng Northeasterly surface windflow sa Luzon kaya asahan ang mga pulu-pulong pag-ulan ngayong gabi sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cagayan Valley at buong Bicol region.
Sa susunod na mga araw, inaasahang kikilos ang LPA pa-Hilagang Kanluran ng Luzon.
Posibleng ring mabuo bilang isang Tropical Depression ang LPA sa susunod na 48 oras bago ito lumapit sa kalupaan ng Luzon.
May nakataas din na Gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan, Babuyan islands at Ilocos Norte kaya bawal muna ang paglalayag sa mga nasabing karagatan.