LPA papalayo na sa bansa ayon sa PAGASA

Patuloy ang paglayo ng low pressure area (LPA) sa Philippine land mass matapos itong manalasa nitong nakalipas na linggo bilang bagyong Crising.

Huling namataan ang LPA sa layong 175 kilometro sa hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Bagaman wala na itong direktang epekto sa malaking parte ng bansa, asahan pa rin ang makulimlim na panahon sa Palawan dahil sa nahatak na ulap ng namumuong sama ng panahon.

Samantala, easterlies naman ang nakakaapekto sa Eastern section ng bansa kaya asahan ang mainit na hangin at maalinsangang panahon.

Gayunman, posible pa rin ang thunderstorm at isolated na ulan sa dakong hapon at gabi.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *