LPA sa Davao city, nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang umiiral sa ilang bahagi ng Mindanao, Visayas at Palawan ngayong araw dulot ng Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Davao city.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa 200 kilometrong Silangan ng Davao city.
Gayunman, mababa ang tsansa na mabuo bilang bagyo ang LPA.
Samantala, ngayong araw ay bahagyang maulap na papawirin na may isolated rain showers at thunderstorms ang umiiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dulot naman ng Easterlies.
Posible rin ang mga flashflood at landslide kung may matinding thunderstorms.
Magiging banayad naman ang pag-alon sa mga karagatan kaya malayang makapalalaot ang mga mangingisda.