LTFRB hinikayat na repasuhin ang planong pagpapakawala ng higit 10k TNVS franchise sa Metro Manila
Nananawagan ang grupong Laban Transport Network Vehicle Service (TNVS) na resolbahin muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTRFB ang mga nakabinbing franchise applications sa Metro Manila bago buksan ang nasa 10,300 na bagong TNVS franchise slot.
Ayon kay Jun de Leon ng Laban TNVS hindi totoo na napapanahon at kailangan ang bagong slots ng TNVS sa Metro Manila dahil lalo lamang itong magdudulot ng matinding trapiko.
Iginiit ni de Leon dapat na mag-audit ang LTFRB sa kasalukuyang bilang ng mga nag-ooperate na TNVS.
Sinabi ni de Leon na mayroong 40,000 TNVS na deactivated ang patuloy na bumibiyahe at kinukunsinti ng isang Transport Network Company (TNC).
Sa panig naman ng LTFRB hinimok ng ahensiya ang Laban TNVS na makipag-dayalogo para maresolba ang problema.
Vic Somintac