LTO, kinalampag ng Senado kasunod ng trahedya sa N.E

Kinakalampag ni Senador Vicente Sotto ang Land Transportation Office na inspeksyunin ang lahat ng bus companies para tuluyan nang maibasura ang lahat ng  bulok at lumang pampasaherong bus.

Kasunod ito ng pagkahulog ng isang bus sa Carranglan Nueva Ecija na ikinamatay ng mahigit tatlumpu.

Ayon kay Sotto, paulit ulit lang ang nangyayaring trahedya dahil wala namang matinding parusa na ipinapataw sa mga kumpanya ng bus.

Kailangan aniyang magpatupad ng kamay na bakal at tuluyang mawala sa lansangan ang mga bulok na bus na nire recycle lang ng mga bus companies.

Napapanahon rin aniyang i-reexamine ang lahat ng professional licensed drivers para matigil na ang mga ganitong insidente.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *