LTO officials, ipinasisibak ni Senador Richard Gordon
Ipinasisibak ni Senador Richard Gordon ang mga opisyal ng Land Transportation Office dahil sa kabiguang ipatupad ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.
Hanggang ngayon hindi pa raw naipatutupad ng LTO ang mas malaki, readable at mga color coded na mga plaka ng motorsiklo
Ayon sa Senador, ipinasa ang batas para protektahan ang mga publiko laban sa mga kriminal na gumagamit ng mga motorsiklo.
Dalawang taon na aniyang nalagdaan ang batas pero bigo ang LTO na ipatupad dahilan kaya patuloy ang pagtaas ng kaso ng krimen ng mga riding in tandem
Katunayan batay aniya sa datos ng Philippine National Police mula 2016 hanggang January 2021, umaabot na sa 19,277 ang mga kaso lamang ng pagpatay ng mga kriminal gamit ang motorsiklo
Sinabi ng Senador batay sa section 15 ng batas, inoobliga ang LTO na mag set up ng 24/7 command center na tatanggap ng mga tawag sa mga nangyaring krimen gamit ang mga nakaw na sasakyan kasama na ang motorsiklo pero hanggang ngayon bigo ang LTO.
Paulit ulit rin aniya ang pangako ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante pero hanggang ngayon walang nangyayari.