Lugi sa kuryente sa Visayas region dahil sa pagsasara ng Boracay, pinangangambahang ipapasa sa mga consumers
Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Aklan Electric Cooperative Inc. o AKELCO na magdeklara ng force majeure para maiwasan ang pagpapataw ng dagdag singil sa kuryente dahil sa inaasahang pagsasara ng Boracay Island.
Ayon kay Gatchalian, dahil maraming restaurant, resorts at mga commercial establishments ang magsasara, bababa rin ang demand sa kuryente na maaring umabot na lamang sa 4 megawatts kumpara sa dating 28 megawatts.
Dahil dito, maaring bawiin aniya sa mga residente ng tatlong probinsya gaya ng Aklan, Antique at Capiz ang magiging lugi ng kumpanya.
Sa computations ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, maaaring umabot sa 1.58 ang kada kilowatt hour ng magiging pagtaas sa singil o katumbas ng 178 million pesos sa loob ng anim na buwang nakasara ang Boracay.
Pero kung magdedeklara ng force majeure, maaring suspendihin muna ang procurement ng mga hindi kailangang kuryente.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: