Luka Doncic pinagmulta ng $35,000 dahil sa “money gesture” sa referee
Pinatawan ng NBA ng $35,000 na multa ang Dallas Mavericks star na si Luka Doncic, kasunod ng ginawa niyang “hand money gesture” sa isang referee nang talunin sila ng Golden State Warriors
Ang parusa para sa “hindi naaangkop at hindi propesyonal na kilos” na target ang isang opisyal ng game ay ibinigay sa Slovenian player, nang 1.7 segundo na lamang ang natitira sa ikaapat na quarter ng laro na napagwagian ng Warriors sa score na 127-125, sa laban na ginanap sa American Airlines Center.
Pinagkiskis ng 24-anyos na four-time NBA All-Star ang kaliwa niyang hinlalaki at hintuturo sa isang “money” gesture na ang direksyon ay sa isang opisyal.
Si Doncic ay nasa 2nd rank sa NBA na may 32.9 points per game at may average din na 8.6 rebounds, 8.2 assists at 1.4 steals per contest para sa Mavericks, na may record na 36-37 at pang-walo sa Western Conference.
Ang Mavericks ay kapareho ng record ng Los Angeles Lakers, Oklahoma City Thunder at New Orleans Pelicans, at kulang ng isang panalo sa 7th place na Minnesota sa labanan sa posisyon sa play-in tournament.
© Agence France-Presse